Monday, June 16, 2014

State of the School Address 2013-2014

Ang panuruan 2013 – 2014 ay mabilis na lumipas, aking ibabahagi ang mga pangyayaring naganap sa ating mahal na paaralan sa buong taon ng panuruan. 

Ang Sto Nino Biaan ES ay mayroong labinglimang(15) guro na kung saan lima sa kanila ay may posisyon na Teacher II; Anim (6) na Teacher I; at apat(4) na LSB funded. Tatlo(3) sa mga guro na ito ay MA Graduate; apat(4) ang nakakumpleto na ng Academic Requirements para sa kanilang MA; at tatlo(3) ang may Masteral Units.
Ang ating paaralan ay mayroon ding 1 school nurse na nangangalaga sa kalusugan ng ating mga magaaral; 1 school clerk; at 2 utility wokers na nangangasiwa sa kalinisan at iba pang pangangailangan ng ating paaralan. 

Ngayong Punuruan 2013-2014 ang ating paaralan at may sumusunod na Performance Indicators:
  • Teacher-Pupil ratio: 1:47
  • Repetition Rate: 3.79%
  • Cohort Survival Rate: 2.26%
  • Transition Rate: 100%
  • Retention Rate:100%
  • Graduation Rate:97.44%
  • At Completion Rate: 90.47%

Ang Sto. Nino Biaan Elementary School ay nagsagawa din ng mga review classes para maitaas pa ang performance rating ng ating paaralan sa National Achievement Test.

Sa kabuuan ng Panuruan 2013-2014 ang ating paaralan ay nagkaroon din ng iba’t-ibang proyekto tulad ng pagpapatayo ng karagdagang dalawang(2) classrooms na pinondohan ng Department of Education; bagong STAGE na ngayon ay nagagamit na natin na pinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Mariveles; Bulletin Board na nagawa dahil sa masisipag nating mga guro; Waiting Area at Perimeter Fence na naitayo dahil sa fund raising activity na pinangunahan ng Pamunuan ng GPTA.

Ang mga pangyayari, programa at proyekto ng ating paaralan ay maaari nyo na ring makita at matunghayan sa ating bagong WEBSITE o BLOG na maaaring mabisita sa web address na http://snbes. blogspot.com.

Meron din tayong mga inaasahan pang mga proyekto na ipagkakaloob sa ating mahal na paaralan Sto Nino Biaan ES. Tulad ng eClassroom na halos handa na at hinihintay na lamang ang pagdating ng mga computers, laptop at projector na magmumula muli sa DepEd. Inaasahan din natin ang pagdating ng bagong SOUND SYSTEM, LAPTOP at PROJECTOR na ipagkakaloob sa atin ng local na pamahalaan ng Mariveles sa pangunguna ng ating mabait na tagamasid pampurok, Dr Rodger De Padua at konsehala Mel Lopez. Bukod dito, inaasahan din natin na magkakaroon na tayo ng COVERED COURT at maipapatayo na ang karagdagang PERIMETER FENCE dito sa ating paaralan sa taong ito, kaya ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sampo ng aking mga kasama sa ating butihing superbisor Dr. Rodger De Padua at sa ating masipag na konsehala, Mel Lopez.

Akin ring pinapaalala na ang mga batang mag-eenrol sa GRADE 1 ay kailangang nakatapos ng KINDER. Para sa mga batang hindi nakapag enroll sa KINDER, maaaring ang ating paaralan ay magkaroon ng 8-week curriculum para sila ay makapag enroll ng GRADE 1.

Ang iba pang detalye ng SOSA ay maaari nyo pong mabasa sa invitation sa ibinigay sa inyo. Naway patuloy po ang inyong pagtulong sa ating mahal na paaralang STO NINO BIAAN ES.

No comments :

Post a Comment